^

Bansa

ERC employees demoralisado sa pag-upo ni Ducot

-

Mismong mga emple­ yado ng Energy Regu­latory Commission ang dismayado umano sa pag­hirang kay dating Pam­panga Rep. Zenaida Ducot bilang bagong hepe ng ERC.

Nabatid kay Sen. Pan­filo Lacson na nakatang­gap na siya ng ulat na nag­kakaroon na ng demora­lisasyon particular na iyong mga officials at rank and file dahil sa pagpasok ni Ducot sa ERC.

“Mukhang mas seryo­song makontrol ang ener­gy sector. Biglang naging chairman ng Committee  on Energy si Mikey Arroyo. Pagkatapos mag-retire ni Albano sa ERC, pumalit Kapampangan at malapit sa pangulo,” ani Lacson sa radio interview kahapon. 

Nagtataka si Lacson kung bakit mga malalapit kay Pangulong Arroyo ang nakapaligid ngayon sa pamamahala sa enerhiya. Mahirap aniya paniwalaan na interes ng taumbayan ang nasa likod nito dahil mas madali aniyang isipin na personal na interes na ito ng palasyo ng Malakan­yang.

Para kay Lacson, ang paghirang kay Ducot bi­lang ERC chair ay kaba­yaran na lamang sa hindi nito pagtakbo noong na­kalipas na halalan para lamang bigyang daan ang pagtakbo sa 1st district ng Pampanga ni presidential son Mikey Arroyo.

Nagbanta naman si Lacson na hindi siya titigil hangga’t hindi nabubusisi ang tunay na dahilan kung bakit mistulang nagkaka­roon na ngayon ng ‘mono­polya’ sa mga malalapit sa Malakanyang sa pagpu­westo sa mga industriya ng enerhiya.

Samantala, sinabi na­man ni administration Se­nator Richard Gordon na dapat bantayan si Ducot kung paano niya gagam­panan ang bagong pu­westo bilang ERC chair.

Hindi naman kasi lingid aniya sa kaalaman ng lahat kung gaano kasali­mu­ot ang tanggapan ng ERC para hawakan ng isang dating kongresista na kuwestiyunable pa rin kung may nalalaman ba talaga sa industriya ng enerhiya.

Bukod dito, nais ni Gor­don na marinig ang pali­wanag ni Ducot kung ano ba talaga ang relasyon nito sa suspected jueteng lord na si Bong Pineda.

Pinagbibintangan din si Ducot na bumagsak uma­no ng apat na ulit sa bar exam bago ito naging ganap na abogado. (Butch Quejada)

vuukle comment

BONG PINEDA

BUTCH QUEJADA

DUCOT

ENERGY REGU

LACSON

MIKEY ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with