^

Bansa

3 senador mahilig mag-‘abroad’

-

Hindi lamang si Pangu­long Gloria Arroyo ang mahilig magbiyahe sa ibang bansa dahil mara­ming se­ nador din ang ilang beses nang lumabas ng Pilipinas kung saan na­ngunguna sa listahan sina Edgardo An­gara, Miriam Defensor San­tiago at Richard Gordon.

Sa loob ng 88 session days mula Hulyo 23, 2007 hanggang Hunyo 11, 2008, 20 beses lumabas ng bansa o nag-“official mission abroad” (OMA) si Angara, si Defensor na chairman ng Senate committee on foreign relations ay 15 na sinundan naman ni Gordon na 13.

Si Aquilino Pimentel ay 8 beses lumabas ng ban­sa, Mar Roxas at Rodolfo Bia­zon tig-5 beses, Juan Miguel Zubiri 4 na beses at Alan Peter Cayetano, 3 beses.

Sina Pia Cayetano, Jamby Madrigal, at Ramon Revilla Jr., ay tig-2 beses na bumiyahe, isang beses lamang nag-OMA sina Francis Escudero at Pan­filo Lacson.

Ang mga senador na nag “official mission abroad” ay ang mga umalis ng Pili­pinas habang may sesyon ang Senado.

Kung dati ay si Zubiri ang nangunguna lagi sa listahan ng mga laging late na senador tuwing may sesyon, naungusan ito nga­yon ni Madrigal na nakapag-tala ng 24 late, Zubiri 22 at Biazon 21.

Kahit isang beses ay hindi naman na-late sina Lac­son, Jinggoy Estrada at Manuel Villar. (Malou Escudero)

ALAN PETER CAYETANO

BESES

EDGARDO AN

FRANCIS ESCUDERO

GLORIA ARROYO

JAMBY MADRIGAL

JINGGOY ESTRADA

JUAN MIGUEL ZUBIRI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with