P13 pasahe hirit!
Isusulong ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Na tionwide (PISTON) ang petisyon para sa P12-P13 fare hike sa sandaling magmatigas ang pama halaan na tanggalin ang 12% E-VAT sa presyo ng langis.
Ayon kay George San Mateo, secretary general ng PISTON sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan sa Sampaloc, Maynila sa sandaling alisin ng gobyerno ang E-VAT ay maaring bumaba ng P7 kada litro ang presyo ng diesel na umaabot na sa halagang P54.48 kada litro.
Nangangamba ang PISTON na umabot sa P62 kada litro ang diesel bago matapos ang Hulyo dahil na rin sa anunsiyo ng mga oil companies na mayroon pa silang irerekober na lugi.
Sinabi rin ni San Mateo na ang P8.50 fare hike petition para sa unang apat na kilometro at ka ragdagang P0.25 sentimos sa susunod na kilometro na kanilang isinampa noon pang Ok tubre 2007 ay hindi na akma sa kasalukuyang presyo ng diesel na nasa ika-18 beses nang iti-naas kaya igigiit pa rin nila na tanggalin ang E-VAT.
Kung hindi umano pumayag ang gobyerno ay muli silang maghahain ng petisyon para sa taas-pasahe kung saan ikinukunsidera nila ang halagang P12.-P13.
Nagbanta din ang PISTON na muling maglulunsad ng transport strike sa sandaling mabigo sila sa kanilang kahilingan.
Inamin din ni San Mateo na napipilitan na mag “cutting trip” ang mga tsuper sa maraming lugar para makabawi sa pagtaas ng presyo ng krudo kung saan uma abot na sa P1,500 krudo ang kanilang krudo sa isang araw na biyahe mula sa dating P400 noong taong 2001.
- Latest
- Trending
















