^

Bansa

Media sa Sulu dudukutin

-

Nakatanggap ng “kidnap threat” ang mga me­diamen na nagko-cover sa Sulu mula sa mga ban­didong Abu Sayyaf Group (ASG) na namumugad sa lalawigan. 

Kinumpirma ng ilang mamamahayag na nagko-cover sa Sulu na may mga gumagala umanong ban­ dido sa kanilang tinutulu­yang mini hotel at mga cottages na humahanap umano ng tiyempo para dukutin sila at gawing hostages sa kabundukan.

Base sa intelligence report, nagalit umano ang sinasabing mga kaalya­dong bandido ni Indanan, Mayor Isnaji Alvarez at ng anak nitong si Haider Is­naji na napili nilang ne­gos­yador sa pagpa­palaya sa ABS-CBN news team matapos na ikulong ang mag-ama sa PNP-Custodial Center sa Crame kaya gusto ng mga itong maghiganti sa pama­magitan ng pagdukot sa iba pang grupo ng media.

Partikular umanong target ay mga taga-ABS-CBN at iba pang nagli­lingkod sa malalaking media outfit.

Sa isang text message, kinumpirma ni DZMM reporter Noel Alamar na kasalukuyang nasa Sulu na nakakalap umano ang militar ng impormasyon hinggil sa seryosong kidnap/death threat kontra sa kanilang hanay bunsod upang ilipat sila sa him­pilan ng 3rd Marine Brigade sa lalawigan.

Bunga nito, ayon kay Alamar ay napilitan ang puwersa ng Marines na sunduin sila sa kanilang tinutuluyang hotel at isa­ilalim sila sa mahigpit na seguridad.

Sa panig naman ni Benjie Liwanag ng GMA DZBB radio, ibinunyag nitong todo pakiusap sa kanilang hanay ang mili­tar na lisanin na muna ang Sulu matapos na mapalaya na sina Ces.  (Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

BENJIE LIWANAG

CUSTODIAL CENTER

HAIDER IS

JOY CANTOS

MARINE BRIGADE

MAYOR ISNAJI ALVAREZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with