‘Opong’ palalakasin Habagat

MANILA, Philippines — Isang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang nagbabantang maging bagyo sa araw ng Linggo o sa susunod na linggo.
Ayon sa Pagasa, ang naturang weather disturbance ay inaasahang magpapalakas sa Habagat.
Ang LPA ay mabubuo bilang isang bagyo na may pangalang bagyong Opong sa may northeastern portion ng PAR. Maaari nitong hatakin at palakasin muli ang habagat simula araw ng Linggo.
Inaasahan ang malakas na pag-ulan na magdudulot ng 50 hanggang 100 millimeters (mm) ng tubig ulan laluna sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, La Union, Benguet, at Pangasinan sa Linggo. Walang puknat na malakas na ulan naman sa Zambales at Bataan dahil sa Habagat.
Ayon sa Pagasa, patuloy ang pag-ulan sa Luzon at Western Visayas dahil sa Habagat samantalang sa Visayas at Mindanao ay mainit ang panahon laluna sa bandang hapon dahil hindi ito apektado ng Habagat.
- Latest




















