^

Bansa

2 Pinoy nasa FBI Most Wanted List

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang Filipino ang kasama sa Most Wanted Fraudster list ng US Federal Bureau of Investigation (FBI).

Kabilang sa kanila ang isang Rey E. Gabato II na umano’y sangkot sa isang scam na nagbiktima sa mga investor ng mahigit $650 milyon.

Sinabi ng FBI na tumulong si ­Grabato II na makapanloko umano ng humigit-kumulang 2,000 investor, kabilang ang daan-daang investor sa New Jersey, ng mahigit $650 milyon mula Pebrero 2018 hanggang Enero 2022.

Nag-aalok ang FBI ng hanggang $150,000 pabuya para sa impormasyong hahantong sa pagkakaaresto.

“Acting as the President and majo­rity owner of National Realty Investment Advisors, LLC (NRIA), a realty investment company, Grabato, II and others allegedly misrepresented the value of NRIA’s investment fund reportedly used to acquire equity interests in companies that invested in real estate assets,” sabi ng FBI.

Sinabi rin ng FBI na naglabas ng federal arrest warrant laban kay Grabato II noong Oktubre 12, 2022. Kinasuhan siya ng Conspiracy to Commit Securities Fraud, Securities Fraud, Conspiracy to Commit Wire Fraud, Wire Fraud, at Conspiracy to Defraud the United States with Respect to Tax.

Isa pang Filipino, si Michael Lizaso Marasigan, na isinama rin sa Most Wanted Fraudster list ng FBI dahil sa paglabag sa mga kondisyon ng kanyang pretrial release.

Ayon sa FBI, tumulong umano si Mara­sigan na manloko ng mga tumatangkilik sa bingo sa Guam Shrine Club’s Hafa Adai Bingo matapos sabihin sa mga manlalaro na gagamitin ang kanilang pera para sa transportasyon ng mga bata patungo sa Shriner’s Hospital for Children sa Hawaii para sa pagpapagamot.

Nag-aalok din ang FBI ng hanggang $150,000 pabuya para sa impormasyong hahantong sa pagkakaaresto kay Marasigan.

Ayon sa FBI, napatunayang guilty si Marasigan noong Mayo 2025 sa mga kasong Conspiracy to Operate Illegal Gambling Business, Money Laundering Conspiracy, Money Laundering, at Conspiracy to Commit Wire Fraud.

Naghain siya ng Stipulation to Travel at pinayagan ng korte na bumiyahe sa Pilipinas para sa mga kadahilanang medikal pero hindi na ito bumalik at itinigil na umano ang pakikipag-ugnayan sa korte noong Hunyo 2025, ayon sa ahensya.

FBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with