^

Bansa

Pabahay sa 100,000 jeepney drivers

- Ni Angie dela Cruz -

Magkakaroon na ng sariling tahanan ang may 100,000 mga lehitimong drivers ng mga pampa­saherong jeep matapos na magpahayag ang isang non-governmental organization (NGO) ng kahandaang bigyan ang mga ito ng sariling ba­ hay at lupa sa buong bansa.

Ang itatayong bahay ay ipagkakaloob ng Ga­wad Kalinga Foundation na kabilang sa pinaka­ma­laking transport groups sa bansa na 1 UTAK.

Sinabi ni Tony Meloto, chairman ng Gawad Ka­linga, na ang itatayong Drivers Village Cooperative Project ay magsisil­bing tulong sa mga ma­hihirap na drivers sa bansa upang makaahon sa kahirapan at mag­karoon ng sariling matiti­rahan.

Sa nilagdaang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Ga­wad Kalingan at ng 1 UTAK sa pangunguna ni Atty. Vigor Mendoza, 300 drivers ang inisyal na ma­pagkakalooban ng sari­ling bahay na itatayo sa Pinu­gay, Antipolo, Rizal.

Sinabi ni Mendoza na target ng nasabing pro­yekto na makapagpatayo ng may 100,000 mga ba­hay para sa sektor ng transportasyon sa loob ng dalawang taon.

Prayoridad ng nasa­bing benepisyo ang mga driver na  ang ruta ay ma­lapit din sa lugar ng pa­bahay upang hindi na maging mahirap sa mga ito ang lugar na uuwian.

DRIVERS VILLAGE COOPERATIVE PROJECT

GAWAD KA

KALINGA FOUNDATION

SHY

SINABI

TONY MELOTO

VIGOR MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with