^

Bansa

NAIA 3 nag-dry run

-

Dahil sa kalumaan matapos ang mahabang panahong pagkakaantala nitong magbukas, pumalya umano ang ilang kaga­mitan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa isinagawang public simulation at dry run ka­hapon.

Ginawa ang dry run sa arrival area upang makita kung magiging maayos itong daraanan ng mga pasahero at kung magka­karoon ng problema sa mga kagamitan at ma­kinang gagamitin.

Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Al Cusi na pagtutuuan nila ng pansin ang mga gamit na dispalinghado na pa­litan para sa pormal na pagbu­bukas ng paliparan sa susunod na buwan upang isiguro na walang palpak sa pasisimulang domestic flight operation. 

Libu-libong pasahero ang maaaring ma-accommodate ng NAIA 3 para sa paunang domestic flights kung saan karamihan ay nag­sisiksikan sa Domestic Airport. (Ellen Fernando)

DAHIL

ELLEN FERNANDO

GENERAL MANAGER AL CUSI

GINAWA

LIBU

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with