^

Bansa

Gas, may prepaid card na rin

-

Sinuportahan kaha­pon ni Sen. Francis Es­cudero ang ginawa ng Seaoil Philippines na magbigay ng prepaid cards para sa kanilang mga consumers upang masiguradong hindi sila agad maapektuhan ng halos linggo-ling­gong pagtaas ng pres­yo ng mga produktong petrolyo.

Naniniwala si Escu­dero na dapat na ga­yahin din ito ng tatlong malalaking oil companies sa bansa na kina­bibilangan ng Shell, Caltex at Petron.

Wala aniyang dahi­lan upang hindi ito magaya ng tatlong na­banggit na kompanya ng langis dahil maliit na di hamak ang Seaoil kumpara sa mga ito.

Nakapako sa P53.50 bawat litro ang presyo ng gasoline sa prepaid card ng Seaoil na dapat na magamit sa loob ng 11 linggo mula Hunyo 10 hanggang Agosto 22 at nabibili sa halagang P1,070.

Nakasaad din dito na sakaling magkaroon ng roll back sa presyo, ibabalik ito ng kum­panya sa mga consumers. (Malou Escudero)

vuukle comment

AGOSTO

CALTEX

ESCU

FRANCIS ES

HUNYO

MALOU ESCUDERO

NAKAPAKO

SEAOIL

SEAOIL PHILIPPINES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with