^

Bansa

100,000 estudyante sa Pasig libre uniporme, libro

-

Tatanggap ng mga libreng uniporme, gamit sa eskuwela at aklat ang may 100,000 mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Pasig City, mula day care hanggang kolehiyo, bilang ayuda sa kanila ng pa­mahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Robert C. Eusebio.

At, bilang dagdag na paghahanda sa pagbu­bukas ng klase sa Martes, Hunyo 10, inatasan na din ni Mayor Eusebio ang mga kagawaran ng lung­sod na may kinalaman sa trapiko at seguridad na tiyakin ang kaligtasan at maayos na pagbabalik sa eskuwela ng mga estud­yante. Hiniling din niya sa lokal na pulisya na paig­tingin ang mga ope­ras­yong panseguridad sa paligid ng lahat ng paara­lan sa Pasig.

Sinabi ni Mayor Euse­bio na sa kabila ng mala­king itinaas ng bilang ng enrollment sa mga pam­pu­blikong paaralan, han­da ang pamahalaang lungsod na tustusan ang mga libreng gamit at uni­porme ng mga mag-aaral sa public schools.

Lahat nang mga mag-aaral sa pampublikong elementary at high school sa Pasig ay makaka­tang­gap ng libreng mga aklat, workbook, skills book, notebook, bag, t-shirt, sa­patos na itim, gomang sapatos at jogging pants, ayon sa education unit ng lungsod.

Ang mga mag-aaral sa special education (SPED) classes at day care centers ay tatanggap din ng li­breng bag na may la­mang ka­gamitan sa es­kuwela, samantalang ang mga mag-aaral sa kolehi­yong pampubliko sa lung­sod, ang Pamantasan ng Lung­sod ng Pasig, ay bi­bigyan din ng mga libreng notebook. (Edwin Balasa)

EDWIN BALASA

MAYOR EUSE

MAYOR EUSEBIO

MAYOR ROBERT C

PASIG

PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with