Meralco lugi na!
Dahil sa sigalot sa pagitan ng gobyerno at ng Manila Electric Company (MERALCO), nalulugi na umano ang naturang kompanya at bumabagsak din ang 2 pang kompanyang pag-aari ng mga Lopez batay sa matumal na takbo ng stock market, ayon sa mga stock analysts.
Natakot umano ang mga dayuhang negosyante sa banta ni Sen. Juan Ponce Enrile sa kanila na sisiyasatin sila dahil sa panghihimasok ng Joint Foreign Chambers of the Philippines (JFCP) sa panukalang amyendahan ang EPIRA law. Ayon sa record ng Philippine Stock Exchange, dalawang porsiyento ang ibinabagsak ng stock market araw-araw dahil dito.
Bukod sa mga MERALCO, Benpres Holdings at First Philippine Holdings ng mga Lopez, apektado rin umano ang iba pang malalaking ne gosyo dahil sa pag-uurong ng kapital ng ilang investors sa nakalipas na ilang linggo magmula nang sumulpot ang kontro bersya hinggil sa pagsawsaw ng mga politiko sa isyu ng elektrisidad.
Kung hindi mareresolba ang problema, sinasabi ng mga analysts na malamang lumala pa ang malawakang pag-atras ng mga foreign investors lalo na sa larangan ng enerhiya.
Sa nakalipas na dalawang linggo, patuloy umanong tumatamlay ang kalakalan sa Philippine Stock Exchange kung saan ang volume ng ben tahan ng shares ay bumagsak na sa P2 bilyon mula sa P5 bilyon.
Binatikos kamakailan ni Enrile ang aniya’y “pakikialam” sa bansa ng JFCP kay Pang. Arroyo no ong isang linggo na huwag baguhin ang mga regulasyon sa negosyo partikular na ang RA 9136 o Electric Power Industry Reform Act of 2001, para maibaba ang singil sa kuryente.
Sinusugan na ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Makati Business Club (MBC) at Semi-conductors and Electronics Industry of the Philippines (Seipi) ang panawagan ng JFCP sa pamahalaan na tigilan na ang paghalo ng pulitika sa sektor ng enerhiya at mahusay na ipatupad na lamang ang EPIRA.
Sinabi ni Jesse O. Ang, resident representative sa Pilipinas ng International Finance Corp. (IFC), mas makabubuti sa bansa kung itutuloy na lamang ng gobyerno ang maayos na pagpapatupad ng batas kesa baguhin ng baguhin ang mga probisyon nito.
Kahit ang Asian Development Bank (ADB) ay nagpahayag ng pangamba sa Malacañang sa negatibong epekto ng pagsusog sa EPIRA kahit hindi pa nakikita ang positibong epekto ng matinong pagpapatupad nito.
Ayon kay Thomas Crouch, deputy director general for Southeast Asia ng ADB, malaki ang panganib na “ma-hostage” lamang sa interes ng mga pulitiko ang pag-amyenda sa naturang batas. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending