Meralco nagpasaklolo sa CA
Naghain kahapon ng petition sa Court of Appeals (CA) ang mga opisyal ng Meralco upang kuwestiyunin ang ipinalabas na Cease and Desist order (CDO) ng Securities and Exchange Commission (SEC) na pumapabor sa Government Service and Insurance System (GSIS).
Nakasaad sa 55 pahinang petition for certiorari na isinumite ng mga opisyal ng Meralco, sinabi nito na isang klasikong halimbawa ang kalupitan ng naturang mga ahensiya ng gobyerno sa nasabing kaso.
Iginiit pa ng Meralco na walang kapangyarihan ang SEC na magpalabas ng CDO dahil inilipat na ang kaso nito sa mga Regional Trial Court (RTC) base sa RA 8799 o Securities Regulation Code.
Kahina-hinala rin umanong napagtibay ang nasabing kautusan gayung tatlo sa mga opisyal ng SEC ay wala sa kanilang tanggapan ng ipalabas ang CDO.
Kabilang naman sa mga opisyal na wala ay sina SEC Chairperson Fe Barin na nasa labas ng bansa, Commissioner Ma. Juanita Cueto na naka-confine sa ospital at Commissioner Raul Palabrica na out-of-town naman para sa isang speaking engagement.
Duda rin ang Meralco sa motibo ni Atty. Hubert Guevarra, director ng Compliance and Enforcement Department ng SEC, dahil hinintay muna nitong magsimula ang stockholders meeting bago isilbi ang CDO habang nakaupo lamang ito at walang kibo nang hindi pa nagsisimula ang pagpupulong.
Bukod dito guilty rin umano ang GSIS ng “forum shopping” dahil una na nitong idinulog ang kaparehong kaso sa
Dahil dito kaya hiniling ng Meralco sa CA na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) sa nasabing kautusan ng SEC habang dinirinig ang merito ng naturang petition. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending