Bisperas ng Bagong Taon magiging maulan
MANILA, Philippines — Uulanin ang ilang bahagi ng bansa sa bisperas ng Bagong Taon, batay sa weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon kay weather specialist Benison Estareja , mananaig sa ilang bahagi ng bansa dahil sa shear line, amihan at intertropical convergence zone (ITCZ).
“Pagsapit ng huling dalawang araw ng 2024, makakaasa po tayo ng pag-ulan,” ani Estareja
Aniya, ang shear line ay magdadala ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon.
“Moderate to heavy rains pa rin po ang mararanasan sa may Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Oriental Mindoro and Marinduque dahil pa rin sa epekto ng shear line,” dagdag pa ni Estateja.
- Latest