AI, gamit ng pamahalaan vs cybercrime
MANILA, Philippines — Nakatutulong ng malaki sa pamahalaan ang Artificial Intelligence (AI) sa pagsugpo sa mga cybercrime sa bansa.
Ito naman ang sinabi ni Assistant Secretary Mary Rose Magsaysay ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
Ayon kay Magsaysay, kung ginagamit ang AI sa komersyal na paraan upang kumita ang ilang mga tao, ginagamit naman ito ng gobyerno upang matulungan ang publiko na hindi maging biktime ng cybercrime.
Inihalimbawa ni Magsaysay ang paggawa ng CICC’s Digital Forensics Manual, na bahagi ng GPT technology.
Dito ay maaaring i-search ang ‘Philippines Digital Forensics Manual’ at makikita na ang lahat ng tamang impormasyon tungkol sa paglutas ng cybercrime.
Ipinaliwanag din ng opisyal na ang manual na ito ay maaaring ma-access 24/7 ng iba’t ibang sektor, maging ito’y mga ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, edukasyon, maliliit na negosyo, o kahit sino pa, anuman ang kanilang lengguwahe.
Paalala pa rin ng pamahalaan na maging maingat upang hindi mabiktima.
- Latest