Gastos ng Senado kay Lozada, P2-M!
Dahil posibleng naaaksaya umano ang pera ng taumbayan, iginiit kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel, Jr., sa Senate Committee on Accounts na imbestigahan kung paano ginagastusan ng Senado ang seguridad nina ZTE witnesses Engr. Rodolfo “Noel” Lozada at Dante Madriga na umabot na sa P2 milyon.
Sinabi ni Pimentel na ikinagulat niya ang balitang malaki na ang nagagastos ng Senado sa pagbibigay ng proteksiyon kina Lozada at Madriga na pati paglilibot nila sa iba’t ibang parte ng bansa ay ginagastusan ng Mataas na Kapulugan ng Kongreso.
Naniniwala si Pimentel na hindi na sakop ng witness protection program ng Senado ang gastos sa paglilibot ni Lozada sa iba’t ibang lugar at pagsasalita nito sa mga unibersidad.
“I find it very difficult to justify that they would be spending so much money. I understand that, among other things, we are also covering the cost of Mr. Lozada’s going to his commitments outside of
Nilinaw ni Pimentel na hindi naman siya kontra sa pagbibigay ng seguridad kina Lozada at Madriga na naging daan para makumpirma ang anomalya sa national broadband network project pero hindi naman aniya makatarungan na gumastos ng sobra-sobra ang Senado.
Nais silipin ni Pimentel kung totoong malaki ang nagagastos ng Senado dahil sa mga Senate personnel na nakatalaga kay Lozada.
Inutos din ni Pimentel sa Secretariat na agad na magsumite at maglabas ng ulat ukol sa tunay na ginastos ng Senado kay Lozada at Madriaga kasama na ang kinain ng mga ito. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending