^

Bansa

Sa Pinay na ginahasa ng sundalong Kano, Pinas aapela

-

Nakatakdang iapela ng Department of Foreign Affairs ang kaso ng isang Pilipina na ginahasa umano noong Pebrero ng taong ito ng isang sundalong Amerikano sa Okinawa, Japan.

Ito ang inihayag kahapon ni DFA Under­secretary Esteban Conejos Jr. kasunod ng pagdismis ng isang Japanese court sa kaso laban sa sundalo.

Ayon kay Conejos, lahat ng paraan ay gina­gawa ng mga opisyal ng pamahalaan upang buksang muli ang kaso.

Nabatid sa opisyal na may 15 araw naman para iapela ang desisyon ng korte.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodya ng Archbishop ng Naha at Philippine Consul General sa Okinawa ang  biktima.

Aapela rin ang gobyero sa United States military upang pasimulan ang Court Martial laban sa akusadong sundalo na positibong kinilala ng biktima sa isang police lineup doon. (Joy Cantos)

AAPELA

COURT MARTIAL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ESTEBAN CONEJOS JR.

JOY CANTOS

PHILIPPINE CONSUL GENERAL

PLACE

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with