^

Bansa

P10-B scam

- Butch M. Quejada -

Nabunyag kahapon ang umano’y malaking scam sa Bangko Sentral ng Pilipinas kung saan umaabot sa P10 bilyon ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa hindi pagdedeklara ng tamang dibidendo na dapat sa­na’y napupunta sa Natio­nal Treasury.

Lumutang ito sa mga ebidensyang hawak nga­yon ng House Oversight Committee na nagpapa­kitang posibleng niloloko ng mga opisyales ng BSP ang pamahalaan may limang taon na o mula taong 2003 hanggang 2007. 

Sa House Resolution na inihain ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte, intensiyunal umano ang ginagawang pag-mimis­deklara ng BSP na nagre­resulta sa pagkalugi ng pamahalaan. 

“The BSP for calendar years 2003, 2004, 2005, 2006 and 2007 has illegally deducted unauthorized ‘reserves’ in violation of law from its income before net profits distribution through dividend declaration and payment to the national government,” pahayag ni Rep. Villa­fuerte. 

Ayon sa House Resolution ni Villafuerte, “substantial amounts” ang kinakatkong ng BSP na nagsisimula sa P7 bilyon na umaabot sa P10 bilyon taon-taon. 

Ayon sa Oversight Committee, may ebiden­siya ito na hawak na nag­papatunay na ang ikina­kal­tas ng BSP sa remittance sana nito sa National Treasury ay napu­punta lamang “fidelity losses” o mga law firms na konektado sa ilang matataas na opisyal ng BSP, BSP medical bene­fit, at para “liability fund” ng mga director at opis­yales nito. 

Ang “fidelity losses” umano ay ang daan-daang milyong pisong pondo para pantakip sa mga pagnanakaw ng mga “natuksong” opis­ yales ng BSP, samantala ang tina­tawag na “liability fund” naman umano ay ang daan-daang mil­yong pon­do na ina-award para sa damages ng mga opisya­les ng BSP na nang-abu­so ng kapang­yarihan sa pagatake sa mga priba­dong bank owners at kani­lang mga manager.

AYON

BANGKO SENTRAL

BSP

CAMARINES SUR REP

HOUSE OVERSIGHT COMMITTEE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with