Arraignment ni Perez di natuloy
Muling ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang arraignment sa kasong graft ni dating Justice Secretary Hernando Perez at tatlong iba pa na naisampa dito ng Ombudsman.
Sa halip na kahapon, tinakda ng antigraft court’s First Division sa Hulyo 18 ang pagbasa ng sakdal kay Perez, asawang si Rosario, brother-in-law na si Ramon Arceo at business associate na si Ernest Escaler sa ka song graft ng mga ito dahil nagsampa ng motion to quash ang mga akusado.
Naipagpaliban ang arraignment upang mabigyang pagkakataon ang panig ng prosekusyon na sagutin ang naturang mosyon na isinampa ng kampo ni Perez.
Binigyan ng Sandigan bayan ang panig ng prosekusyon ng 15 araw para sagutin ang naturang mosyon.
Dumating naman kahapon sa graft court sina Perez, Arceo at Escaler pero wala si Rosario Perez, asawa ni Nani dahil sa sakit nitong cancer.
Kaugnay nito, ang apat ay inanyayahan din na pumunta sa Sandi ganbayan Second Division sa Mayo 23 para naman sa kanilang arraignment sa kasong robbery/extortion.
Ang kasong robbery/extortion ng mga akusado ay batay sa naisampang kaso sa Ombudsman ni dating Manila Congressman Mark Jimenez na si Perez at ang ibang akusado ay nangikil sa kanya ng $2 milyon nang tumanggi siyang mag-execute ng affidavits na may kinalaman sa plunder case ni dating Pangulong Joseph Estrada. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending