Certificate ng pumasa sa retake ng nursing exam ipapalabas na
Sisimulan na ng Department of Labor and Employment ngayong Mayo 7 ang pag-iisyu ng mga certificate sa mga pumasang examinee sa nakalipas na December 1-2, 2007 DOLE-initiated voluntary retake examination ng Tests III at V ng June 2006 Nursing Licensure Exams.
Ayon kay Labor and Employment Secretary Marianito Roque, ang mga naturang certificate ay idi-distribute mula
Maaari umanong makuha ng mga pumasang examinee ang kanilang certificate sa Office of the Secretary na matatagpuan sa punong tanggapan ng DOLE sa Intramuros, Maynila o sa regional offices nito at ang kinakailangan lamang ay magprisinta ng kanilang Professional Regulation Commission License.
Nabatid na umaabot sa kabuuang 1,131 nurses na binigyan ng lisensiya sa June 2007 NLE ang boluntaryong kumuha ng retake noong December at 729 o 64% lamang sa kanila ang nakapasa.
Narito ang iskedyul ng pagre-release ng individual Certificates: May 7, 2008 - Abad – Bendo; May 8, 2008 - Bergado – Dayawon; May 9, 2008 - De Guzman – Ganay; May 12, 2008 - Gantang co – Luna; May 13, 2008 - Lusis – Paderes; May 14, 2008 - Padilla – Saloria; at May 15, 2008 - Samia – Zolina. (Mer Layson)
- Latest
- Trending