Pope Benedict, Cardinal Rosales kinasuhan
Sinampahan kahapon ng paglabag sa Human Rights violation, disturbance of public order, swindling at pagtuturo ng immoral doctrines sa
Sa 62-pahinang reklamo ni Pamatong, nilabag umano ng dalawang mataas na opisyal ng Vatican at Simbahang Katoliko ang karapatang pantao ng mga mamamayan nang maglagay sila ng malalakas na speaker sa mga bubong ng simbahan, tower at mga puno na nagpapahayag ng mga maling doktrina na ang dulot ay pambubulabog umano sa komunidad.
“They have been disturbing the peace and quiet of non-Catholics throughout the country,” saad ni Pamatong.
Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso ni Pamatong dahil hindi siya makatulog dahil sa malakas na speaker na nakalagay sa simbahan malapit sa kanyang tinitirhan sa Pampanga na halos may isang linggo.
Sinabi pa ni Pamatong na hindi niya maintindihan ang mga sinasabi sa malakas na speaker na sa kanyang paniniwala ay hindi naman para sa tao. (Doris Franche)
- Latest
- Trending