Arrest warrant vs Nani ipinalabas
Ipinalabas kahapon ng Sandiganbayan ang arrest warrant laban kay dating Justice Secretary Hernando Perez kaugnay ng kinakaharap niyang kasong $2 million extortion.
Ayon sa ulat ng dzBB, inirekomenda ng first division ng korte ang P30,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Perez. Inutos din ng korte na pigiling makalabas ng bansa ang dating kalihim.
Inutos din ng korte ang pagdakip sa asawa ni Perez na si Rosario at sa bayaw niyang si Ramon Arceo.
Ayon sa Ombudsman, sinamantala nina Perez at ng ibang akusado ang kanyang posisyon para manghingi kay dating Manila Congressman Mark Jimenez ng $2 milyon kaugnay ng pagpapatupad ng affidavit na gagamitin laban kay dating Pangulong Joseph Estrada.
Ikinaso rin kay Perez ang pagkabigo niyang magsumite ng 2001 statement of assets and liabilities.
- Latest
- Trending