20 bagyo papasok
Nakaambang tuma- ma sa bansa ang 20 bag-yo sa taong ito kaya ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) ang posibleng pinsala na maaring idulot ng bagyo.
Sinabi ni Dr. Anthony Golez Jr., NDCC spokesman at Deputy Director ng Office of Civil Defense (OCD), nauna nang pumasok sa bansa ang bagyong Ambo bagaman bahagya lamang ang pananalasa nito sa Visayas Region.
Kasabay nito, tiniyak naman ni Golez na may sapat na kahandaan ang NDCC-OCD sa gitna na rin ng forecast ng PAGASA sa nagbabadyang pagtama sa Pilipinas ng 20 malala-kas na bagyo sa buong taon.
Ayon kay Golez, nak ikipag-ugnayan na ang NDCC sa PAGASA-Department of Science and Technology (DOST) kaugnay sa pro blema sa kagamitan ng tanggapan para maging accurate ang mga weather forecasts.
Samantala, tuluyan ng naglaho ang namataang “shallow low pressure area” sa katimugang ba-hagi ng bansa.
Ayon kay Robert Sawi ng PAGASA-forecasting center, hindi na makakaapekto sa alimang bahagi ng Mindanao ang naturang namuong sama ng panahon sa halip ay ang “intertropical convergence zone” na lamang ang iiral hanggang sa mga susunod na araw.
Pulo-pulong pag-ulan pa rin ang mararamdaman sa
Nilinaw naman ng PAGASA na hindi pa tapos ang mainit na panahon kaya posible pa rin na umiral ang matinding alinsangan sa susunod na linggo parti kular na sa Metro Manila, Bicol at Tuguegarao. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending