^

Bansa

P34-M sa ulo ng JI at ASG leaders

-

Umaabot na sa P34 milyong halaga ang ini­lalaang reward ng pa­mahalaan para sa si­numang makapag­bi­bigay ng impormasyon upang madakip ang 12  lider ng Jemaah Isla­miyah terrorist at Abu Sayyaf Group na sang­kot sa paghaha­sik ng terorismo sa bansa.

Sa tala ng PNP at AFP, kabilang sa mga tinutugis ay  sina J.I. bomb experts Omar Patek at Ammar Us­man, alyas Dulmatin; pa­wang mastermind sa Bali bombing sa Indonesia na ku­mitil ng buhay ng 202 katao noong Oktubre 12, 2002.

Ang mga ito ay nagsi­ pag­tago sa bansa at sina­sabing kinakan­long ng mga bandidong Abu Say­yaf matapos ang mga itong tuma­kas sa Indonesia at mag­tago sa rehiyon ng Min­danao.

Una nang napaulat na napaslang sa eng­kwentro si Dulmatin subalit hindi pa rin ma­kumpirma kung sa kanya ang narekober na naagnas na bang­kay.

Ilan pa sa mga wanted terrorist ay sina Zulkifli Bin Hir, isa ring JI member na may patong sa ulo na P5 milyon; Ahmad Akmad Batabol Usman, alyas Basit Usman, isang ASG bomber na may patong sa ulo na P3 milyon; at Jabid Abdul, isa pang ASG bom­ber na may P2 mil­yong reward. (Joy Cantos)

ABU SAY

ABU SAYYAF GROUP

AHMAD AKMAD BATABOL USMAN

AMMAR US

BASIT USMAN

DULMATIN

JABID ABDUL

JEMAAH ISLA

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with