^

Bansa

Pinoy tipid na rin sa ‘load’

-

Mapipilitan na ring magtipid sa pagpapadala ng mga text messages ang mga ordinaryong Pilipino dahil sa pagtaas ng presyo ng bigas at iba pang mahahalagang bilihin.

Ito ang nakikita ni Catanduanes Congressman Joseph Santiago na nagsabing hihina ang benta sa prepaid load ng mga telecommunication service providers dahil maraming Pilipino ang magtitipid sa pagpapa-load sa kanilang cellphone at uunahin muna ang paggasta sa pagkain.

“Sa panahon ng krisis, hindi na muna importante ang magagastos at  maluhong bagay,” sabi ni Santiago na dating hepe ng National Telecommunication Commission.

Pinuna niya na maraming sari-sari store na dating nakakapagbenta ng P3,000 halaga ng load sa cellphone araw-araw ang nakakapagbenta na lang ngayon ng P1,000 halaga ng load.

Sa pagtatapos ng taong 2007, umaabot sa 50.3 milyon ang bilang ng mga Pilipino na mayroong cellphone. Karaniwang bawat isa sa kanila ay nag­ pa­padala ng 10 hanggang 15 text message bawat araw. Ibig sabihin, 755 milyong mensahe sa text ang naipa­padala araw-araw. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

CATANDUANES CONGRESSMAN JOSEPH SANTIAGO

IBIG

KARANIWANG

MAPIPILITAN

NATIONAL TELECOMMUNICATION COMMISSION

PILIPINO

PINUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with