DepEd pinakilos ni GMA sa batang may kapansanan
Inatasan kamakailan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Department of Education, partikular ang Bureau of Elementary Education-Special Education Division nito, na pag-ibayuhin ang pagtataguyod sa karapatan ng mga batang may kapansanan.
“Kailangan ng mga batang ito ang ating tulong,” diin ng Punong Ehekutibo. “Sinabihan ko ang DepEd na gumawa ng marami pang programang tulad ng Camp Pag-ibig dahil palalakasin nito ang oportunidad para sa mga batang ito.”
Ipinagdiwang kamakailan ng Camp Pag-ibig ang ika-32 ng pagkakatatag nito na nakatuon sa pagmumulat at pagkakaloob ng oportunidad sa mga taong may kapansanan.
Sa kampo, ang mga batang may kapansanan ay nagkakaroon ng pagkakataong makihalubilo sa komunidad. Kabilang sa mga aktibidad dito ang paglangoy, pagpipinta, pag-aaral sa kalikasan, pagluluto, laro, sayaw, sining, at iba pa.
Ang dalawang araw na kampo ay isinagawa sa Balara Filter Plant sa
- Latest
- Trending