Putahan sa Parañaque may basbas ng PNP
Dalawa sa mga diskuhan at videoke bar na itinuturing na mga pangunahing putahan sa Airport Road sa panulukan ang Roxas Blvd. sa Parañaque City, ang may basbas at protection ng lokal na pulisya maging ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa nabanggit na lungsod.
Ito ang napag-alaman ng PSNGAYON sa isang mapagkakatiwalaang source na tumatayong kolektor ng mga opisyal ng pulisya at ilang opisyal ng lokal na pamahalaan sa mga putahang tulad ng Miss World ni Ompong at Red Octagon ni Rolly.
Napag-alamang sa source ng PSNGAYON na ipinagmamalaki ni Ompong na walang maaaring makapagpasarado sa Miss World dahil nakatimbre, hindi lamang sa PNP at NBI kundi maging sa pamunuan ng lokal sangay ng Department of Social Welfare and Development.
“Hindi puwedeng gibain ng sinuman ang Miss World at Red Octagon, bahala na ang pangulo ng asosasyon ng mga videoke bar sa Airport Road na si Jojo Sikat,” pahayag ni Ompong.
Pinabulaanan naman ni Jojo Sikat ang tinuran ni Ompong, bagkus sinabi nito na hindi niya kinukunsinti ang putahan sa nasabing lugar.
“Mukha yatang kinukunsinti ni Mayor Bernabe at ilang opisyal ng pulisya ang putahan dyan
Ayon pa sa source ng PSNGAYON, may basbas din ng National Capital Regional Police Office ang putahan sa nasabing lugar kung saan tumatayong kolektor ay isang sibilyang alyas Arthur at nagsisilbi rin kolektor ng Southern Police District at
- Latest
- Trending