^

Bansa

Basurero mas kumikita ngayon kesa tsuper

- Rose Tamayo-Tesoro -

‘Di hamak na mas ma­taas pa umano sa ngayon ang kinikita ng isang scavenger o basurero kum­para sa isang ordinaryong jeepney driver dahil na rin sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng krudo, boundary, spare parts at maintenance ng mga sasakyan.

Sa panayam ng PSNGAYON kay Pagka­kaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) spokesman at Sec-General George San Mateo, dahil sa sunud-sunod na pagsirit ng presyo ng krudo, pagtaas ng presyo ng spare parts ng mga sasakyan at mahal na renta o boundary sa pamama­ sada ay kumikita na lamang ng P100-125 sa loob ng 14-16 oras bilang “take-home” ang isang tsuper ng jeep.

Ayon pa kay San Ma­teo, para madagdagan ang kita at matustusan ang iba pang panga­nga­ilangan, karamihan uma­no ngayon sa mga driver sa Metro Manila ay bumu­buno ng 24-oras na pa­ma­masada sa mga lan­sangan.

Nabatid na ang isang scavenger ay kumikita ngayon ng P200-P300 kada-araw sa pamumulot ng basura kung saan sa isang kilo pa lang ng mga plastic containers, aluminum na lata ng soda at beer ay tumitiba na ang mga ito sa P100 kada-kilo nito at wala pang tax o permit na binabayaran sa kanilang pangangalakal kumpara sa mga tsuper ng pampublikong sasak­yan, dangan nga lang ay mas angat ang klase ng hanapbuhay ng mga huli. 

Binanggit pa ni San Mateo na ang tanging solusyon lamang umano para maisalba at mai­angat naman ang antas ng kabuhayan ng mga maralitang jeepney drivers ay ang hinihiling nilang taas-pasahe at ang tuluyang pagbasura sa Oli Deregulation Law.

Hindi umano titigil ang kanilang grupo sa pag­lunsad ng kaliwa’t kanang kilos-protesta upang ka­lampagin ang pamaha­laan kasabay ng pag-kumpirma kahapon na plantsado na ang ikakasa nilang nationwide transport holiday hindi ngayong May kundi sa darating na June kasabay ng pagbu­bukas ng pasok sa lahat ng antas ng eskwela.

AYON

METRO MANILA

OLI DEREGULATION LAW

OPERATORS NATIONWIDE

SAN MA

SAN MATEO

SEC-GENERAL GEORGE SAN MATEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with