^

Bansa

Lingguhang taas-krudo tuloy

-

Inaasahang magka­karoon pa ng mga kasu­nod ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na linggo dahil sa walang humpay na pagtaas ng halaga nito sa pandaig­digang pamilihan na ngayon ay umaabot na sa $103 kada bariles.  

Sinabi ni Energy Secretary Angelo Reyes, uma­abot na sa P2 kada litro ang itinaas sa presyo ng diesel, gasoline at kerosene ngayong bu­wan pa lang ng Marso, ang pina­kahuli ay noong Sabado de Gloria.

Masusundan pa uma­no ito ng ikalimang pag­taas sa halagang 50 sen­timos kada litro ngayong pag­sapit ng weekend.

Sa kabila nito, sinabi ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman na imposible muna ang hini­hinging gawing P8 ang minimum na pasahe ng mga pampasaherong dyip subalit pag-aaralan din nilang maigi ang iba pang paraan para hindi mas­yadong mahirapan ang mga drayber.

Dahil dito, nagpaabot na ng pagkabahala ang United Patriotic Transport Organization of the Philippines (UPTOP) at nana­wagan na ito sa Senado na pagtuunan nang pan­sin ang kapakanan ng transport sektor at hindi lamang sa mga imbes­tigasyon gaya ng ma­anomalyang ZTE-NBN deal.

“Hanapan nila ng pa­raan kung paano pa kami makaka-discount sa krudo para hindi kami mapilitang magtaas ng pamasahe,” sabi ni Vic Dimaano, national chairman ng UPTOP. (Edwin Balasa)

DAHIL

EDWIN BALASA

ENERGY SECRETARY ANGELO REYES

HANAPAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

SHY

UNITED PATRIOTIC TRANSPORT ORGANIZATION OF THE PHILIPPINES

VIC DIMAANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with