^

Bansa

Mga obispo ‘ugok!’

- Ni Malou Escudero -

Hindi na nakapagpigil pa si Justice Secretary Raul Gonzalez sa mga bumabanat sa gobyerno kaya tinawag nitong “ugok” ang mga Obispo at mga dating opisyal ng gobyerno.

Kahapon, pinanindi­gan ng Kalihim ang pagta­wag ng “ugok sa mga Obispo at sa mga kasapit ng Former Senior Government Officials (FSGO) at hindi umano niya ba­bawiin ang nauna na niyang sinabi at wala siyang dapat ikatakot dahil expression lamang umano niya ito.

Sinabi ni Gonzalez na napuno na umano siya sa mga kaliwa’t kanang negatibong pahayag ng mga indibidwal na wala ng nakita kundi ang mga kamalian ng gobyerno kaya hind umano siya masisi na nakapagsalita siya ng masakit na salita dahil ito ay dala lamang umano ng bugso ng kan­yang damdamin.

Nagbitiw si Gonza­ lez ng nasabing salita mata­pos nitong payu­han ang mga kasapi ng FSGO  na  mangumpi­sal sa mga ka-alyado nitong pari at Obispo dahil sa kasinu­ngali­ngan ng mga ito.

Isinunod ni Gonzalez ang pagtawag na “ugok” nang sunud-sunod na banggitin ang mga pa­ nga­lang “Bishop Iñiguez, Fr. Robert Reyes” na siya umanong dapat pagkum­pisalan ng mga FSGO matapos na itanggi ng mga ito na ipinapa­nawagan nila ang pag­ ba­ba sa puwesto ni Arroyo.

Idinagdag pa nito na matagal na siyang naiirita sa mga ipinakitang pang­huhudas ng mga dating ka-alyado ng Pangulong Arroyo na sumasaksak umano sa likod nito par­tikular na si dating DSWD Sec. Dinky Soliman.

“….I have suffered some of these people for quite some time and I cannot forget the fact that during that time they were singing hosanna to the President. Then all of a sudden, lahat ng masama ginagamit laban sa kanya I think that is totally unethical for them and also out of tune sa kanilang responsibilidad na naka­ha­wak ng mataas na pu­westo,” ayon pa kay Gon­zalez.

BISHOP I

DINKY SOLIMAN

FORMER SENIOR GOVERNMENT OFFICIALS

GONZALEZ

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with