^

Bansa

CBCP nagpaliwanag sa ‘di pagsama sa rally

-

Tiniyak ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi nila tinatalikuran ang kanilang pagkilos para sa “truth and accountability sa kabila ng kanilang hindi pagdalo sa rally.

Ipinaliwanag ni CBCP public affairs head Ca­loocan bishop Deogracias Iñiguez Jr. na masyadong hectic ang schedule ng mga Obispo bukod pa sa may problema sa kalusu­gan ang ilan kaya hindi nakasama sa interfaith rally ng mga kabataan kahapon.

Lumitaw ang isyu ng “abandonment” matapos na ipahayag ng CBCP na hindi makakadalo ang ka­nilang Pangulo na si Bi­shop Angel Lagdameo sa “rally for truth.” Si Lag­da­meo umano ay nacon­fine sa ospital bunga na rin ng sakit na pulmonary hypertension.  

Ayon kay Iniquez, ma­nanatili ang kanilang desis­yon batay na rin sa  kani­lang pastoral letter na ki­nokondena ang iba’t ibang antas ng katiwalian sa pamahalaan at sa lipu­nan. Hindi lamang siya na­ka­dalo sa rally dahil may nauna na siyang schedule ng graduation na pupunta­han.

Maging si Balanga, Bataan bishop Socrates Villegas na protegé ni dating Manila archbishop Jaime Cardinal Sin ay hindi nakasama sa rally dahil na rin sa hectic na schedule. 

Mariin ding pinabu­laanan ni Cruz ang mga haka-haka na may nag-pressure sa mga obispo na huwag dumalo sa rally dahil balido naman uma­no ang dahilan ng mga ito. (Doris Franche)

ANGEL LAGDAMEO

AYON

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DEOGRACIAS I

DORIS FRANCHE

JAIME CARDINAL SIN

SHY

SI LAG

SOCRATES VILLEGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with