^

Bansa

Dahil sa ZTE: Krimen bumaba, rali tumaas

-

Bumaba umano ang krimen sa Metro Manila, sa­mantalang tumaas na­man ang kaso ng kaliwa’t kanang kilos-protesta la­ban sa pamahalaan kaug­nay ng NBN-ZTE deal sa loob lamang ng dalawang buwan ng taong kasalu­kuyan.

Sa kalatas na inilabas kahapon ni National Capital Region Office (NCRPO) chief Dir. Geary Barias na mula noong January-February 2008 ay may naitala lamang na 2,961 krimina­lidad na hindi hamak na bumaba ng 11.57 porsi­yento kumpara sa 3,337 noong January-February 2007, habang ang street crimes ay umabot lamang ng 510 kumpara sa 540 na bumaba naman ng 7 porsi­yento.

At kung noong January-February 2007 ay na­kapagtala lamang ang pulisya ng 80 kilos-protesta o demonstrasyon sa mga lansangan ng MM, ngayon ay nakapagtala na sila ng 128 rallies sa loob lamang ng January-February 2008.

Nilinaw ni Barias na bagaman ang nakalipas na dalawang buwan ay aabot lamang sa 59 araw ay may mga pagkakataon na tatlo hanggang limang kilos protesta ang binabantayan ng NCRPO operatives na ipinakalat sa mga rally sites.

Inihayag nito na pinaka-krusyal ang tatlong pina­kamalaking rally na ikinasa ng anti-government groups nitong nakalipas na Enero 22 sa paggunita ng ika-22 anibersaryo ng Men­diola massacre, Pebrero 15 at Pebrero 29 rally sa Makati City upang isigaw ang pag­bibitiw sa puwesto ni Pa­ngulong Arroyo.

Nangunguna sa street crimes ang robbery, panga­lawa ang theft, physical injury, estafa at swindling.

Pinakamataas ang na­itala sa MPD,  204;  Northern Police District, 56 at Eastern Police District, 39. (Rose Tesoro/Joy Cantos)

vuukle comment

EASTERN POLICE DISTRICT

GEARY BARIAS

JANUARY-FEBRUARY

JOY CANTOS

MAKATI CITY

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with