^

Bansa

Anime’ komiks gagamitin vs anti-drug campaign

-

Dahil sa impluwen­syang dulot ng usung-uso ngayon na “anime” sa mga bata, gagamitin ito ng Dangerous Drugs Board (DDB) bilang “campaign material” sa paglaban sa iligal na droga katuwang ang Department of Educa­tion.

Ipapakalat ng DDB at DepEd ang mga “anime ko­miks” sa lahat ng pa­aralan partikular sa mga elementarya upang ma­agang mamulat ang mga batang nasa edad 6-12 anyos sa panganib na dulot ng iligal na droga sa ilalim ng programang “Batang Iwas Droga (BIDA)”.

Sa isang memoran­dum, nagkasundo sina DDB Chairman Sec. An­selmo Avenido, Pagcor Chairman Efraim Genuino, DepEd Secretary Jesli Lapuz at BIDA Foundation Corporate Sec. Josephine Evangelista para sa na­turang programa.

Ang DDB ang magiging “consulting body” para sa paglikha ng aksyon at mga plano para sa programa habang tutustusan naman ang programa ng PAG­COR.  Ang DepED naman ang bahala sa pagpapa­kalat nito sa lahat ng pa­aralan sa buong bansa ha­bang ang BIDA ang ma­ngunguna sa kampanya.

Sa serye ng ipapalabas na komiks, limang estud­yante ang mabibiyayaan ng kapang­yarihan upang maging superheroes at lalaban sa mga “monster drug lords” na “public enemy number 1”.  Pagtu­tuunan ng pan­sin ang ka­pabilidad ng mga kabataan na sa kahit murang edad ay kaya nang lumaban sa iligal na droga. (Danilo Garcia)

CHAIRMAN SEC

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCA

DRUGS BOARD

FOUNDATION CORPORATE SEC

JOSEPHINE EVANGELISTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with