^

Bansa

Kung magbibitiw si GMA, Noli susuportahan ng CBCP at MBC

-

Susuportahan ng Ca­tholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at Makati Business Club (MBC) si Vice Pres. Noli de Castro sakaling magbitiw sa kanyang tungkulin si Pangulong Arroyo bunsod ng anomalya sa nakan­selang ZTE-NBN deal. 

Sinabi ni Pangasinan Archbishop Oscar Cruz, mali­naw sa isinasaad ng Konstitusyon na ang pa­nga­lawang pangulo ang dapat umupo sa puwesto kung susunod ang Pangulo sa kaliwa’t-kanang pana­wagan ng ibat-ibang sector na magbitiw na ito  para matapos na ang masali­muot na gulo at tuluyan ng umu­sad ang bansa maka­raang muling madawit ang pangalan ni First Gentleman Mike Arroyo sa kon­trobersiya.

Nilinaw naman ni MBC Executive Director Alberto Lim na hindi nila pinagbi­bitiw ang Pangulo pero kung kusa umanong aalis sa puwesto si Pangulong Arroyo ay si de Castro ang susuportahan ng mga negosyante sa Makati.

Ikinatuwa naman ni de Castro ang mga pahayag ng dalawang grupo, subalit nilinaw nito na hindi siya nagma­madali at nakahan­dang mag-antay sa anu­mang ma­giging desisyon ng Pangulo. (Mer Layson)

vuukle comment

BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

EXECUTIVE DIRECTOR ALBERTO LIM

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

MAKATI BUSINESS CLUB

MER LAYSON

PANGASINAN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with