^

Bansa

Nagugutom nabawasan

-

Ikinagalak ni Agriculture Secretary Arthur Yap ang latest survey ng Social Weather Station (SWS) na bumaba ang bilang ng mga nagugutom sa bansa, mula sa 43 percent noong Set­yembre 2007 ay bu­maba sa 34 percent nga­yong Enero.

Isa ang Department of Agriculture sa mga ahe­nsiya ng pamahalaan na inatasan ni Pangulong Arroyo­  noong nakaraang taon para sugpuin ang kagutu­man lalo na sa mga mahih­irap.

Sinabi ni Sec. Yap, binuo ng Presidente ang inter-agency task Force kung saan ang DA ang naatasang gumawa ng paraan para makabili ng murang pagkain araw-araw ang mga mahi­ hirap na Pinoy.

Sinasabing agad na dinagdagan ni Yap ang Tindahan ni Gloria, mula sa dating 5,000 puwesto ay umaabot na ngayon sa 8,000 sa buong kapuluhan, kung saan ay makakabili ng murang bigas, noodles at iba pang pagkain.

Maging ang dating 24 barangay food terminals ay 34 na ngayon na nakakalat sa Metro Manila kung saan ay makakabili ng murang isda, karne ng baboy at manok, gulay at prutas.

Anang Kalihim, sa ha­lagang P150 ay makakabili na ang isang pamilya ng masusus­tansiyang pag­kain para sa tatlong beses na kainan sa loob ng isang araw. (Danilo Garcia)

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

ANANG KALIHIM

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

METRO MANILA

PANGULONG ARROYO

SHY

SOCIAL WEATHER STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with