Peace talk nanganganib
Aminado ang Malacañang na maaapektuhan ang isinusulong na negosasyong pangka payapaan ng gobyerno at rebeldeng komunista dahil sa pahayag ni Armed Forces of the Philippines Chief Gen. Hermogenes Esperon Jr. na dudurugin nito ang New People’s Army sa loob ng tatlong buwan at magiging madugo ito.
Sinabi ni Presidential Deputy Spokesperson Lorelei Fajardo na walang “mapamimilian” ang militar at si Esperon kundi gawin ang kanilang trabaho na durugin ang kaaway ng estado upang matigil na ang armed insurgency na inilulunsad ng Communist Party of the
Wika pa ni Fajardo, hindi dapat ang gobyerno ang sisihin sa pangyayari dahil laging bukas naman ang pamahalaan sa usapin ng peace talks subalit nagmamatigas ang NPA. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending