Newshen na ‘tumulong’ kay Faeldon kakasuhan
Posibleng maharap sa kasong ‘obstruction of justice” o pagkakanlong ng kalaban ng estado ang isang lady reporter na diumano’y tumulong kay Marine Capt. Nicanor Faeldon para makatakas habang nasa kasagsagan ng standoff sa
Ayon kay PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., inatasan na niya ang mga legal experts ng PNP Legal Department para pag-aralan ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa nasabing beteranang reporter na ayon sa sources ay may direktang kontak sa Magdalo Group at madalas umanong mag-cover sa paglilitis ng Magdalo. Kilala rin umano itong malapit kay Faeldon at mula umano sa Foreign Correspondent Association of the Philippines (FOCAP).
Pinag-aaralan na rin ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kopya ng video na kuha mula sa isang Closed Circuit TV (CCTV) camera ng hotel kung saan positibong nakilala ang nabanggit na reporter.
Nakunan umano sa CCTV ang naturang reporter na nagpahiram ng identification card kay Faeldon para makatakas.
Gayunman, muling tumanggi si Razon na tukuyin ang pangalan ng nasabing reporter o kung nagtratrabaho ba ito sa print, tv at radio. Hintayin na lamang aniya ang susunod na hakbang ng pulisya.
Si Faeldon ay may patong sa ulong P1-M na ikinokonsiderang itaas ang reward sa P2-M para mapabilis ang pag-aresto dito. Si Faeldon ay may record na ng pagtakas, noong Dis. 14, 2005 pero muling nasakote sa Malabon noong Enero 27, 2006.
Ayon naman kay Justice Secretary Raul Gonzalez, kailangang managot sa batas ang hindi pinangalanang lady reporter kahit pa umano pagmumulan na naman ito ng panibagong gulo sa pagitan niya at ng miyembro ng media.
Kaugnay nito, nagpahayag naman ng pagdududa si National Press club (NPC) President Roy Mabasa sa biglaang pagpapalutang ng isyu ng PNP na isang “lady reporter” ang kanilang iniimbestigahan ngayon dahil sa pagtulong umano kay Faeldon nang ito ay tumakas sa kasagsagan ng Manila Peninsula seige.
Nagtataka si Mabasa kung bakit mahigit isang buwan nang nakalipas ang insidente ay ngayon lamang ito sinasabi ng PNP na dapat sa simula pa lamang ay tinukoy na kung mayroong kasabwat na mamamahayag.
Sa kabila nito, siniguro naman ni Mabasa na hindi nila kukunsintihin ang sinumang mamamahayag na mapapatunayang may kinalaman nga sila sa Manila Pen siege.
- Latest
- Trending