Pag-ulan 1-week pa
Inaasahan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services (Pagasa) na magtutuloy-tuloy ang nararanasang pag-ulan ng hanggang isang ling go sa buong bansa dulot ng “low pressure area” na namataan sa Southern Luzon.
Sa advisory ng Pagasa kahapon, namataan ang namumuong sama ng panahon may 140 kilometro sa kanlu ran ng Mindoro.
Sinabi naman ni Pagasa weather branch chief, Nathaniel Cruz na inaasahan nilang hindi magiging isang bagyo ang naturang “low pressure area” ngunit magdudulot ng pag-ulan sa buong kapuluan na nag-umpisa nitong Enero 13 at inaasahan na tatagal ng Enero 13 o higit pa.
Nagbabala naman ang ahensya sa publiko na mag-ingat sa posib leng pagkakaroon ng flashfloods at pagguho ng lupa dulot ng walang humpay na pag-ulan. Pinayuhan nito ang publiko at ang pamahalaan na isagawa ang kaukulang paghahanda sa trahedya. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending