^

Bansa

Federal-presidential system isusulong

-

Balak isulong ni Senate Minority Leader Aqui­lino Pimentel Jr. ang pagpapalit ng por­ma ng gobyerno upang maging federal-presidential system.

Ayon kay Pimentel, isang joint congressional resolution ang ihahain niya sa pagba­balik ng sesyon ng Se­nado upang maging federal ang buong bansa kabilang na ang Bangsa Moro federal state.

Naniniwala ang se­nador na papabor ang lahat ng mga taga-Min­danao sa Bangsa Moro federal state kung saan magkakaroon sila ng autonomy.

Ipinaliwanag ng se­na­dor na sa ilalim ng fe­deral system, ang mas­yadong konsentrasyon ng kapangyarihan sa central government ay maiiwasan at malilipat ito sa mga federal states.

Ayon kay Pimentel, masyado nang napag-iiwanan sa pag-unlad ang mga malalayong probinsiya dahil mas napagtutuunan ng pan­sin ang mga siyudad sa Metro Manila at mga karating lalawigan.

Pero nilinaw nito na sakaling magtagumpay ang pagsusulong niya ng federal-presidential system, tuloy pa rin ang elek­siyon sa 2010 dahil hindi naman iaabolish ang pre­sidency. (Malou Escudero)

AYON

BALAK

BANGSA MORO

FEDERAL

MALOU ESCUDERO

PIMENTEL JR.

SENATE MINORITY LEADER AQUI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with