^

Bansa

Zero death sa New Year

- Doris Franche-Borja, Joy Cantos, Malou Rongalerios, Danilo Garcia -

Tahasang sinabi ng Department of Health na epektibo ang ka­nilang kampanya na Iwas Pa­putok kasabay ng pagsa­lubong sa taong 2008.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, bumaba nang 46 por­siyento ang bilang ng mga biktima ng paputok kung saan nakapagtala lamang ng 446 na biktima o su­gatan kumpara sa 831 noong nakaraang taon.

Aniya, karamihan sa mga biktima ng pa­putok ay dinala sa Jose Reyes Memorial Medical  Center kung saan isa dito ay si Niccolo Quizon, apo ni King of Comedy na si Dolphy at nagtamo ng  sugat sa  noo at baba.

Sinabi ni Duque na  malaki ang naitulong ng kanilang  pagpa­pakita ng mga  na­unang  biktima ng pa­putok kung saan ang mga ito ay naputulan ng  kamay at daliri.  

Nagpahayag din ng kasiyahan si Duque na walang naitalang na­ma­tay sa paputok.

“Maging ang mga magulang ay tumulong din sa aming kam­panya, at binantayang mabuti ang kanilang mga anak”, ani Duque.

Sa pulong-balitaang ginanap sa East Avenue Medical Center kahapon, sinabi ni Duque na naka­pagtala ang DOH National Epidemiology Center ng 450 kaso ng nasaktan kung saan 439 dito ay dahil sa paputok. Na­pa­ka­laki ng ibinaba nito kumpara sa na­italang 831 kaso sa pagsalubong sa taong 2007.

Patuloy namang na­nguna ang Metro Manila sa pinakamara­ming bi­lang ng biktima ng pa­putok kung saan naka­pagtala ng 390 o 72% ng kabuuang bi­lang. Bu­maba naman umano ito ng 60% kumpara noong naka­raang taon.

Sa mga naputukan, 136 o 30% ng mga bik­tima ay pawang mga bata na nasa 10 taong gulang pababa.  Pa­ngunahing sanhi na­man ng mga ak­sidente ngayong taon ay ang “piccolo” kumpara noong 2007 na kwitis.

Ayon naman kay Philippine National Police Chief Director General Avelino Razon Jr., pa­yapa sa pangka­lahatan ang pagdiri­wang ng New Year.

Sinabi ni Razon na bagaman may mga bik­­tima rin ng mga pa­putok na isinugod sa paga­mutan ay bumaba ito ng malaking por­siyento kumpara noong naka­raang taon kung saan sa pangkalahatan ay naging mapayapa ang selebras­yon sa paghi­ hiwalay ng taong 2007 at pagpasok naman ng 2008.

Samantala, dala­wang sundalo ng Philippine Marines ang ikinulong nang mahuli ng pulisya na nag­papaputok ng baril sa pagsalubong sa Ba­gong Taon kamaka­lawa sa Pasay City.

Kinilala ni PNP Spokesman Senior Superintendent Nicanor Barto­lome ang mga ina­resto na sina Angel Ta­bula, 26, nakatalaga sa 10th Marine Battalion Landing Team na naka­base sa Fort Boni­facio, Taguig City; at Elpidio Maca Jr. 40, umano’y  da­ting kasapi ng Marines ng Kala­yaan, Pasay City.

Ayon kay Bar­to­lome, naging biktima ng ligaw na bala ma­tapos na mag­paputok ng handgun si Tabula sa bisinidad ng panulu­kan ng  Lopez at Ver­gel St., sa  Pasay City sina James Manarang, 32, at Emmelene Day­to, 16, na pawang ma­bilis na isinugod sa paga­mutan.

Isa namang Ray­mond Pareja na kapit­bahay naman ni Maca ang uma­no’y napag­tripan nitong barilin sa kasag­sagan ng pag­salubong  sa Bagong Taon.

Dismayado ang PNP na, sa kabila ng mahigpit na kampanya ng pama­halaan laban sa indiscriminate  firing, walo katao pa rin ang naging biktima ng ligaw na bala sa pagsa­lu­bong sa Ba­gong Taon.

Sa kasalukuyan, ayon kay Razon, ma­hirap pa ring matukoy ng mga imbestigador kung sino ang dapat managot sa pinag­mulan ng bala na tu­mama sa mga inosen­teng biktima.

Ayon sa heneral, ma­buti na lamang at walang nasawi sa mga tinamaan ng ligaw na bala.

Inihayag nito na ma­layo ito sa nairekord  noong taong 2006 at 2005 na may 40 at 34 ang naging biktima ng ligaw na bala ayon sa pagka­ka­sunod. Isa ang naitalang patay noong 2006 habang 31 na­man ang naiulat na nasawi sa stray bullets noong 2005.

Kabilang sa naita­lang mga insidente ng stray bullet ay lima sa Region 9; isa sa Region 1 at apat naman mula sa National Capital Region.

Ipinagmalaki na­man ng opisyal na wa­lang  mi­yembro ng ka­pulisan ang naiulat na sangkot sa ligaw na bala.

AYON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with