^

Bansa

Final report sa G-2 blast sa Enero 2008 pa

-

Sa Enero pa ng susu­ nod na taon ilalabas ng pulisya ang final report   ng Glorietta 2 explosion da­hil hindi pa umano ito tapos.

Sa panayam kahapon kay Alfie Reyes, spokes­man ng Ayala Land Inc. (ALI), kinumpirma nito na wala pa umanong pinal na report ang PNP ukol sa nasabing pagsabog  na ikinamatay ng 11 katao at malubhang ikinasugat na­ man ng mahigit sa 100  pa noong Oktubre 19, 2007.

“No final report yet. We understand from autho­ rities that they will release it sometime in January,” pahayag ni Reyes sa pa­nayam sa kanya.

Nabatid na una ng na­dismaya ang pamunuan ng ALI sa naunang ulat  na methane gas theory ng PNP investigators ka­ug­ nay sa nasabing pag­sa­bog kung saan mahig­pit na itinanggi ng mga una na hindi gas leak ang san­hi ng nasabing insidente.

Samantala, ayon na­ man sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP), masusi pa umano nilang ikinukumpara ang kanilang resulta sa report at findings ng ALI.

Sa isang panayam kay PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr., sinabi nito na masusing ikinu­kum­para pa umano nila ang kanilang ulat sa ulat ng ALI bago maipalabas ang final report.

Magugunita na una   ng inihayag ng PNP na nakatakda nilang ilabas sa publiko ang final re-port kaugnay ng G2 blast noon sanang Miyerkules o bago pa man ang  Araw  ng Pasko, subalit hindi ito natuloy.

Ayon pa kay Razon na sinisiguro lamang uma-no nila ang maayos at ta­mang kinalalabasan ng kanilang imbestigasyon kung kaya’t medyo nata­galan ito.

Sinabi pa ni Razon na kaya rin umano natagalan ang nakatakdang pagpa­palabas ng final report dahil sa masusing revi­sions ng mga ulat upang maiwa­san ang mga pag­dududa.

Muli ring nilinaw ni Ra­zon na walang nang­ya­yaring “cover up” sa nasa­bing imbestigasyon at wala umanong kina­la-man dito ang delay ng pag­ pa­pa­labas sa publi- ko ng final report.

Maging ang listahan ng personalidad na naka­takdang kasuhan sa na­sa­ bing pagsabog ay ma­su­sing nirerebisa rin umano ng PNP bago ila­bas ang pa­ngalan ng mga ito. (Rose Ta­ mayo-Tesoro/Joy Cantos) 

vuukle comment

ALFIE REYES

AVELINO RAZON JR.

AYALA LAND INC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with