DAR chief dismayado sa Sumilao farmers
Nagpahayag ng pagkadismaya kahapon si Agra rian Reform Secretary Nasser Pangandaman sa mga magsasaka sa Sumilao, Bukidnon dahil sa kanilang pagiging mainipin at walang pang-unawa habang pinag-aaralan ng DAR ang isang desisyon sa pinagtatalunang 144 na ektaryang lupain sa naturang bayan.
Sinagot ni Pangandaman ang nauna ng pahayag ng abogado ng mga nasabing magsasaka na si Atty. Marlon Manuel na inuupuan lamang ng kalihim ang naturang kaso simula pa noong 2004 at nagpasaring pa umano ito na maaaring paboran ng DAR ang may-ari ngayon ng nasabing lupain.
“Ang kaso ay ibinigay sa amin ng Pangulo nito lamang Nobyembre 22, 2007 at hindi noong 2004 tulad ng sinasabi ni Atty. Manuel. Nakapaglakad nga sila mula sa Sumilao hanggang sa Metro
Noong Biyernes, naglakad din patungo ng Malakanyang ang mga magsasaka at nanawagan sa Pangulong Arroyo upang mamagitan at atasan ang DAR na mag-isyu ng ‘cease and desist order’ laban sa San Miguel Foods Inc. para patigilin ang pagtatayo ng isang hog farm sa lugar.
Kaagad namang nagsagawa ng ocular inspection si Pangandaman sa lugar at nakita nga nito ang limang nakatayong gusali at halos 1,000 manggagawa sa lugar na halos lahat ay mga residente rin ng Sumilao.
Nangako ang Kalihim na magiging patas sila sa pag-aaral sa reklamo ng mga magsasaka laban sa SMFI at ang magiging desisyon ay batay na rin sa merito ng kaso. (Mer Layson)
- Latest
- Trending