^

Bansa

Ranario may pag-asa

- Joy Cantos, Rudy Andal -

Malaki umano ang pag-asa na makalusot sa bitay ang Pinay domestic helper na si Marilou Ranario.

Inihayag ni Philippine Ambassador to Kuwait Eric Endaya na nananalig ang pamahalaan na ma­giging positibo ang ga­gawing pag-apela ni Pangulong Arroyo kay Kuwait Emir Sheik Sabah Al-Ahamad Al-Jaber Al-Sabah para sa executive clemency ni Ranario, 33.

Ngayong araw, sa pa­gitan ng alas-10 hang­gang alas-11 ng umaga itinakda ang pakikipag-usap ni Pangulong Arroyo sa Emir ng Kuwait para iapela ang pagpapababa sa hatol kay Ranario kung di man ito maisalba sa bitay.

Inaasahang darating ang Pangulo sa Kuwait alas-10 ng umaga nga­yong araw matapos nitong putulin ang biyahe sa London para sa pag-asang maisalba ang bu­hay ni Ranario. Apat na oras ma­kikipag-usap si PGMA sa Emir.

Itinuturing rin ng gob­yerno na magandang sen­yales ang magarbong pagsalubong ng Emir ng Kuwait kay Pangulong Arroyo ngayong umaga da­hilan alam na ng nasabing opisyal na ang sadya ng pamahalaan ay ang ma-commute sa bitay si Ra­nario.

Kabilang umano sa posibleng batayan ng pag­papababa ng hatol hang­gang habambuhay na pagkabilanggo bilang pa­rusa kay Ranario ay ang pagpapatawad na rito ng ina at tatlong kapatid ng biktima.

Samantala, walang na­lalaman si Marilou na pinagtibay ng Court of Cassation sa Kuwait ang hatol na bitay sa kanya matapos mapatay ang kanyang lady employer noong 2005.

Sinabi ni Sec. Endaya, batay sa batas ng Kuwait, maaari lamang ipaalam kay Ranario ang hatol sa kanya isang linggo bago igawad ang bitay laban sa nasabing Pinay DH.

Magugunita na pinag­tibay ng Kuwaiti Court of Cassation ang hatol na bitay kay Ranario mata­pos nitong mapatay sa saksak sanhi ng kalupitan at di pagpapasuweldo ang ka­niyang lady employer na si Mahmoud Faraj Al Muba­rak noong Enero 11, 2005.

Hiniling naman kaha­pon ng Malacañang sa mga Filipino na ipagdasal na maging matagumpay ang pakikipag-usap ni Pangulong Arroyo sa Emir ng Kuwait. 

“Nananawagan tayo sa sambayanang Pilipino, in the name of the safety, in the name of salvation ng ating kababayang si Ma­rilou, let us unite in prayer para magtagum­pay si Pangulong Gloria sa pag-save kay Ranario sa kanyang pakikipag­pulong sa Emir ng Kuwait,” pa­hayag ni Presidential Management Staff chief Cerge Remonde. 

CERGE REMONDE

COURT OF CASSATION

EMIR SHEIK SABAH AL-AHAMAD AL-JABER AL-SABAH

KUWAIT

PANGULONG ARROYO

RANARIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with