^

Bansa

Pinoys sa Kuwait naglunsad ng signature campaign kay Ranario

-

Upang isalba ang buhay ng Pinay domestic    helper na si Marilou Ranario, naglunsad ng signature campaign ang mga Pinoy sa Kuwait matapos pag­tibayin ng Kuwaiti court  ang hatol na bitay laban dito kaugnay ng pagkakapatay sa malupit nitong lady employer noong Enero 2005.

Ang grupo na binansagang OFW Operation Tu­long na nangangalap ng pirma upang kumbinsihin at ma­pahinuhod si Kuwait Amir Sheikh Sabah Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah na pagkalooban ng executive clemency si Ranario kundi man ibaba ang senten­sya dito.  Ang tanging paraan na lamang para maligtas ay ang executive pardon ng Emir ng nasabing bansa.

Sa tala, umaabot sa 100,000 ang mga Pinoy sa Kuwait na karamihan ay nagtratrabaho bilang domestic helper. (Joy Cantos)

ENERO

JOY CANTOS

KUWAIT AMIR SHEIKH SABAH AL-AHMAD AL-JABER AL-SABAH

KUWAITI

MARILOU RANARIO

OPERATION TU

PINAY

PINOY

RANARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with