^

Bansa

PAGASA, DOST hugas-kamay, ‘di raw palpak ang prediksyon

-

Naghugas-kamay kahapon ang Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Servi-ces Administration (PAG­ASA) at Department of Science and Technology (DOST) na hindi sila palpak sa prediksyon ng landfall ng malakas na bagyong Mina na haha­gupit sa bansa. Sa isinagawang press briefing sa tanggapan ng National Disaster Coor-dinating Council (NDCC) sa Camp Aguinaldo, idi­ne­pensa ni DOST Secretary Estrella Alabastro na pabagu-bago talaga ang direksyon ng bagyo at hindi permanente ang pagkilos o lugar na po­sible nitong tamaan.

Ayon pa kay Alabas­tro, ng mamonitor nila dakong alas–4 ng mada­ling araw nitong Sabado na nagbago na ang tina­tahak na lugar na tata­maan ng bagyong Mina ay agad nilang inalerto ang mga lokal na opisyal ng mga lalawigan at rehiyong pinupuntirya ni Mina para maghanda sa paglilikas ng mga resi­dente.

Una rito, inihayag ng US Navy na ang lugar na tatamaan ng bagyo base sa monitoring nila sa kanilang mga modernong radar ay ang Aurora-Isa­bela o ang mga lugar sa hi­ lagang silangan ng Luzon.

Sinabi naman ni PAG­ ASA Director Prisco Nilo na nagbago na ng direk­syon ang bagyong Mina na sa halip na Bicol Region ang direktang tata­maan ay sa Aurora at Isa­bela na ang landfall nito sa Linggo ng gabi.

Nilinaw pa ng mga opisyal na noong una pa man ay may dalawang senaryo na ang kanilang prediksyon sa lugar na tatamaan ng bagyo, una ay Bicol Region at ikala­wa ay ang posibilidad na lumihis ito at sa Aurora – Isabela area tumama.

Iginiit pa ng mga ito na sa kasalukuyan epektibo pa rin ang kanilang radar equipment na gawa sa US at Japan para gamitin sa pagmomonitor ng bagyo.  (Joy Cantos)

BICOL REGION

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

DIRECTOR PRISCO NILO

JOY CANTOS

NATIONAL DISASTER COOR

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL ASTRONOMICAL SERVI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with