13 pang convicts sa Aquino-Galman kwalipikado rin sa pardon - Gonzalez
Pabor si Justice Secretary Raul Gonzalez na mapagkalooban din ng pardon ang 13 pang sundalong nasangkot sa Aquino-Galman double murder case, katulad ng napalayang kasama nila na si ex-Air Force M/Sgt. Pablo Martinez.
Ayon kay Gonzalez, napagsilbihan na ng mga sundalong naiwan sa New Bilibid Prison (NBP) ang mahigit sa minimum sentence nila kaya kwalipikado rin sila para sa executive clemency.
Sinabi ni Gonzalez, kung hindi man umano umamin ang mga ito ay hindi naman sapat na dahilan na ipagkait sa kanila ang karapatan sa ilalim ng batas.
Hindi umano patas kung hindi mabibigyan ng pagkakataon o kara patan na mapalaya ang mga sundalong nakapiit pa kaugnay sa naturang kaso kung hindi man sila mapiga at kung walang dapat aminin.
Naniniwala si Gonzalez na mababait ang mga nasabing sundalo nang bisitahin niya ito sa kulungan, na isang requirement din upang maging kandidato sa pardon ng Malakanyang.
Samantala,
Ayon kay Gonzalez, paso na o nagtapos na ang prescribed period para buhayin pa ang kaso kaya imposibleng magkaroon pa ng panibagong paglilitis, maliban na lamang aniya, kung may lulutang na panibagong suspek sa kaso.
Magiging mahirap din umano ang proseso sakaling muling buksan ang kaso dahil kailangang magpaliwanag pa si
Gayunman, sinabi ng kalihim na maaaring buksan ang paglilitis kung maibabalik sa pamamagitan ng extradition ang suspek na si Capt. Felipe Valerio, commander ng 805th Squadron ng AVSECOM.
Nilinaw ni Gonzalez na si Valerio ay hindi nahatulan at hindi rin naisulong sa korte ang kaso laban dito. Kasalukuyang nasa
- Latest
- Trending