^

Bansa

‘Ander de saya’ dumarami

-

Alam ba ninyo na hindi lamang mga misis ang dumaranas ng pangma­maltrato?

Sa datos ng Philippine National Police (PNP) Women’s and Children Protection, dumarami na ang bilang ng mga ‘battered husband ‘na dumu­dulog sa pulisya upang ireport ang pang-aapi sa kanila ng kanilang mga misis.  

“Meron nga dyan tad­tad ng pasa sa katawan ng magreport sa PNP, sinapak raw at pinaghahampas ng kahoy ng Misis, pero di gumanti dahil sa sobrang pagmamahal kaya nagti­tiis,” pahayag ni Director Chief Supt. Yolanda Tani­gue.

Gayunman, hindi ipinu­pursige ng nasabing mga mi­naltratong mister ang kaso laban sa nambu­bugbog nilang mga misis dahil sa sobrang kahihiyan na mapintasan ang kani­lang pagkalalaki.

“Alam naman ninyo ang mga lalaki, gusto nila nandyan pa rin yung kani­lang macho image,” ayon kay Tanigue, ang nag-iisang heneral na babae sa PNP.

Inamin din ni Tanigue na may mga miyembro ang kanilang organisasyon na tinagurian ring mga ‘battered husband’ pero mas­yado na umanong sensi­tibo ang isyu kung ang isang pulis ay mapaba­litang ginugulpi ng kani­yang misis. (Joy Cantos)

ALAM

CHILDREN PROTECTION

DIRECTOR CHIEF SUPT

JOY CANTOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

TANIGUE

YOLANDA TANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with