^

Bansa

Gobyerno kikita ng P1.4B sa imported cars - PASG

-

Iginiit kahapon ni Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) chief Antonio Villar Jr. na kikita ang gob­yerno ng P1.4 bilyon sa pa­mamagitan ng Voluntary Disclosure Program (VDP) sa sandaling magparehistro ang may 3,000 may-ari ng imported cars.

Sinabi ni Usec. Villar, ang VDP ang magiging susi ng mga imported car owners na ang rehistro sa Land Registration Office (LTO) ay walang Certificate of Payment (CP) o undervalued ang kanilang CP.

Ayon kay Villar, sa pa­ma­magitan ng VDP ay ma­rerehistro ng may-ari ng imported vehicles ang kanilang mga sasakyan sa pamama­gitan ng boluntaryong pag­babayad na rin ng kanilang duties at taxes para sa kanilang imported vehicles. 

Aniya, nakikipag-ugna­yan na rin ang PASG sa LTO upang matukoy ang may-ari ng mga imported cars na nakapagparehistro ng kani­lang sasakyan na walang CPs o undervalued ang kanilang CPs na iniisyu ng Bureau of Customs (BOC).

Sinabi naman ni PASG director for intelligence Jaih Francia, may 3,000 imported vehicles ang naka­pag­parehistro ng kanilang sasakyan sa LTO kahit walang CP o undervalued ang kanilang CP mula 2004 hanggang 2007 kung saan kalimitan sa mga ito ay luxury vehicles tulad ng Mercedes Benz, BMW at Porsche. (Rudy Andal)

ANTONIO VILLAR JR.

BUREAU OF CUSTOMS

CERTIFICATE OF PAYMENT

JAIH FRANCIA

KANILANG

LAND REGISTRATION OFFICE

MERCEDES BENZ

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with