^

Bansa

Saguisag nasa ICU pa rin

- Rose Tamayo-Tesoro -

Bahagyang bumuti ang kundisyon ni Atty. Rene Saguisag na na­natili pa ring nasa intensive care unit (ICU) ng Makati Medical Center (MMC).

Base sa pinakahuling medical bulletin na ini­labas kahapon ni Dr. Eric Nubla, spokesman ng MMC, nakakakilala na sa mga dumadalaw na ka­mag-anak at kaibigan si Sagui­sag.

Nilinaw naman ni Nubla na hindi pa rin umano tuluyang nakaka­pagsalita si Saguisag bagama’t na­gigising na ito. Bilang tanda na kilala umano ni Sagui­sag ang mga bumibisita sa kanya ay sa pamamagitan ng pagtugon nito ng ngiti at pagsulat.

Magugunita na sa na­unang pahayag ng MMC kamakalawa, nakara­nas umano ng “severe trauma” injuries si Saguisag sa kanyang ulo at dibdib.

Samantala, si Felipe Calvario naman na driver ni Saguisag ay idineklara kahapon ng manggaga­mot na “neurologically stable”.

Sa kabila nito, nabatid na kinakailangang suma­ilalim sa operasyon sa lalong madaling panahon si Cal­vario. Patuloy ding nakaka­bit ang isang tubo sa dibdib ni Calvario na tumutulong sa kanyang paghinga.

Kahapon ay sinampa­han na rin sa korte ng Makati ng mga kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries and damage to property si Manuel Ge­ronimo, ang driver ng dump truck na umararo sa van ng mag-asawang Saguisag nitong Huwebes ng mada­ling araw sa Makati.  

Samantala, dinala na sa kapilya ng St. Scho­lastica’s College sa Leon Guinto, Maynila ang mga labi ni Gng. Saguisag.

Nakayanan at nakalig­tas si Dulce Saguisag, 64 sa breast cancer pero nagta­pos ang buhay sa isang malagim na ak­sidente kaya naman ga­noon na lang ang pag­kagulat at pagkalung­kot ng mga naulila niya na unti-unti nang dumating sa kung saan siya ibinu­burol.

Sinariwa nila ang mga alaala ni Mrs. Saguisag bilang isang mabuting ina, masigasig na dating Department of Social Welfare and Development secretary noong panahon ni pangulong Joseph Estrada at matapang na breast cancer survivor.

Sa St. Scholastica siya nag-aral simula pre school, nagtapos ng grade school noong taong 1954 at high school noong taong 1959. Nitong Huwebes, nag­daos ng prayer service ang mga madre at mga opisyal ng paaralan.

Pinayagan ang mga miyembro ng media na makapasok sa kapilya at binigyan ng 10 minuto para kumuha ng video.

Wala rin munang interview para mabigyan ng privacy ang pamilya sa oras ng kanilang pag­dada­lamhati.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Atty. Saguisag na wala na ang kanyang asawa.

“Last dance”

Labis ding nagdalam­hati ang mga dance instructors ng mag-asa­ wang Saguisag sa Bykes Cafe na suki at paboritong ballroom dancing bar ng mag-asawa.

Sa panayam kay Vic Castillo, bago pa man umano nangyari ang na­sa­­bing trahedya ay naki­taan na nila ng mga pahi­watig si Gng. Saguisag.

Sinabi pa ni Castillo na ayaw pa sana umanong umuwi noon ni Gng. Sa­gui­sag at bago umano tulu­yang nilisan ng mag-asawa ang nasabing bar ay nag-aya pa ito ng sayaw kay Atty. Sagui­sag.

Boogie umano ang hi­niling ni Gng. Saguisag na isayaw nilang mag-asawa na ikinagulat naman nina  Castillo dahil ang sayaw na boogie ay hindi gaanong isinasayaw ng mag-asawa. Lingid sa kaalaman ng lahat ay magsisilbing “last dance” na pala nila ito.

Bago din umano tulu­yang nagpaalam ang mag-asawa ay sobrang lungkot sa mukha ang nakita ng mga instructors kay Gng. Saguisag na taliwas sa pagiging palangiti at malimit na pagiging masayahin ng ginang.

BYKES CAFE

GNG

MAG

SAGUI

SAGUISAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with