^

Bansa

Pinay, mister na Kano hinatulan ng 125 taon

-

Isang Amerikano at asawa niyang Pilipina ang nahatulan ng parusang pagkakulong na 125 taon dahil sa puwersahang pagpapatrabaho nila sa 11 immigrant na Pilipino sa isang hotel sa South Dakota sa United States. 

Napatunayan ng federal jury sa Aberdeen na nagkasala sa mga kasong peonage, visa fraud, document servitude at false statement sina Robert John Farrel at asawa niyang si Angelite.

Ayon sa ulat ng Argus Leader kahapon, kinuha ng mga akusado ang mga biktima para pagtrabahuhin bilang housekeepers sa Comfort Inn & Suites sa Oacoma at iba pa nilang pinamamahalaang negosyo.

Nabatid na ang mga Filipino immigrant ay pinagtatrabaho nang hanggang 160 oras kada linggo. Isa sa mga biktima ang nagreklamo na naranasan niyang hindi matulog sa loob ng sunod-sunod na limang araw dahil sa trabaho.

ANGELITE

ARGUS LEADER

AYON

COMFORT INN

ISA

ISANG AMERIKANO

NABATID

ROBERT JOHN FARREL

SOUTH DAKOTA

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with