^

Bansa

Hindi ako nagbitiw sa puwesto — Sec. Ermita

-

Iginiit kahapon ni Executive Secretary Eduar­do Ermita na walang katotohanan ang napa­balitang pla­no niyang magbitiw sa kanyang tungkulin at umalis sa Gabinete ni Pangulong Gloria Ma­capagal-Arroyo.

Sinabi ni Sec. Er­mita, gumagawa la­mang ng intriga ang ilang sektor upang palabasin na nag­ka­kawatak-watak na ang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Arroyo.

“Its not true. It’s part of another effort to sow intrigue. They want to try to show that the administration is having troubles,” wika pa ni Ermita sa Malacanang reporters.

Sinabi pa ng exe­cutive secretary, intact ang miyembro ng Ga­binete ni Mrs. Arroyo matapos ang napaulat na umano’y pamumud­mod ng cash gift sa mga local officials at kongresista na naki­pag-almusal sa Pa­ngulo noong Oktubre 11.

Idinagdag pa ni Er­mita, iniutos na ng Pa­ngulo sa Presidential Anti-Graft Commission ang pagsa­ sa­gawa ng imbesti­gasyon hing­gil sa napa­ulat na kon­trobersya ka­sabay ang apela na big­yan ng pag­kakataon ang PAGC na magsa­gawa ng imbesti­gasyon upang malaman kung sino ang nasa likod ng pamu­mudmod ng cash gift at kung saan nang­galing ang nasabing salapi. (Rudy Andal)

ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY EDUAR

GABINETE

MRS. ARROYO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MA

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

RUDY ANDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with